Tuesday, October 17, 2006

Singko

Hindi na naman siya makatulog. Isang buong lingo na siyang inaabot ng madaling araw bago tuluyang dalawin ng antok. Samu’t saring bagay ang gumugulo sa kanyang isip --- sa kanyang buong pagkatao. Balot sa nakabibinging katahimikan ang paligid. Makalipas ang ilang sandaling pagtila ng ulan, tumigil na rin sa wakas ang mga palakang kani-kanina lamang ay tila nagkokonsyerto sa labas. Malamang ay napagod na rin sa pagkokokak sa kalaliman ng gabi.

Sa kabila ng kadiliman ay kanyang naaninag ang selepono at dagli itong kinuha. Nang ito’y kanyang buksan ay tila binaha ng liwanag ang kanyang munting silid.

“Mam, salamat sa singko. Titigil na ako sa pag-aaral. Bagsak sa DOST.”

Makailang beses na rin niyang nabasa ang mensaheng iyon na hindi niya magawang burahin. Pero sa bawat pagbabasa’y naroroon pa rin ang kirot, ang panandaliang guilt. Sariwa pa sa kanyang isipan ang isinagot niya sa mensaheng iyon.

“Wag mo akong pasalamatan. Ikaw ang may gawa ng grado mo. Taga-lista lang ako’t taga-kalkula.”

Wala nang isinagot ang nagpadala ng mensahe. Iilan ding estudyante ang nabigyan niya ng singko sa semestreng iyon. May hinala siya kung kanino galing ang mensahe pero hindi siya sigurado. At pinili niyang huwag nang alamin pa.

“Walang guro na nasisiyahan sa pagbigay ng isang bagsak na grado sa kanyang estudyante. Kalimitan pa nga’y nanghihinayang at nalulungkot ang may ari ng kamay na hawak ay pulang bolpen sa pagsulat ng marka sa gradesheet. Minsan din kaming naging estudyante. Hindi rin minsan nang bumagsak.”

Ito ang sinabi sa kanya ng kanyang professor nang minsan siyang nakapagbitaw ng mararahas na salita patungkol dito. Binagsak siya ng professor niya. Nang mga sandaling iyo’y halos isumpa niya ang kanyang professor. Buong magdamag siyang pinagalitan ng kanyang nanay. Ilang beses siyang pinagbantaan ng kanyang tatay na patitigilin sa pag-aaral at iuuwi sa probinsya kapag naulit pa ang markang bagsak.

At ngayon nga’y bumaliktad ang sitwasyon. Siya na ngayon ang namamagsak. Siya na ngayon ang kinamumuhian.

***

Oo, mahirap ang maging estudyante. Lalo na kapag bumagsak ka sa kursong kinukuha mo. Ngunit kahit gaano man ka-demonyo ang pag-uugali ng guro mo, tandaan mong tao din yan --- tao lang yan --- taong naatasang maglista at magkalkula ng gradong ginawa mo’t binigay sa kanya. Tingnan mo muna ang sarili mo bago mo ibunto sa kanya ang lahat nang pagsisisi. Baka kasi may pagkukulang ka rin.

Sunday, October 15, 2006

The End

Have you ever been so absorbed in a tv show that you get to relate to the characters?

Well I have. And I've been so absorbed in the show that I feel so cranky when my favorite characters have a conflict to deal with. I've been watching this TV show through dvd copies and I felt my heart lunge, sink and soar with the stories that intertwined in the five seasons of the show.

Tomorrow, I'll be watching the last two episodes.

Sigh... some good things never last.

Friday, October 06, 2006

Unfinished

Sa tuwing ako’y mapapadaan sa harap ng bintana ng kanilang tahanan sa pagsapit ng dapithapon ay laging may munting kandilang may sindi akong masisilayan. Kandilang nagbibigay liwanag sa munting altar kung saan ko siya malimit na nakikitang nakayuko, pikit ang mga mata at umuusal ng munting panalangin.

Ang kanyang mga labi ay parang puspusang bumibigkas ng mga panalanging matagal nang minemorya. Mga kahilingang matagal nang naghihintay ng katuparan.

Sa umaga’y tunog ng lumang karaoke ang maririnig. Madalas ay mga kanta ni Sharon Cuneta ang sinasabayan niya ng pag-awit.

Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal…

Ito ang pinakapaborito niya sa lahat. Ito rin ang pinakapaborito ng nanay niya. Marahil kahit natutulog siya ay kayang-kaya niyang kantahin ang awiting ito. Napanood na rin niya ang pelikula. Marahil ay ilang daang beses na niya itong nakita dahil sa paulit-ulit na panonood nila ng nanay niya sa betamax. Memoryado niya na halos lahat ng linya ng mga artista sa pelikula.

Minsan sa paaralan ay narinig ko pa siyang mag-Inggles.

You’re nothing but a second rate, trying hard copycat!

Ito ang sinabi niya sa kaklase naming nagsabing mas magaling daw itong kumanta kaysa kanya. Hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi. Inggles kasi. Pero nang ang mga salitang ito’y namutawi sa kanyang labi, pakiramdam ko’y daig pa nito ang mga paborito kong tula ni Kiko Baltazar. Sa pagkakasabi niya’y para itong sinaliwan ng mga huni ng ibon at ihip ng malamig na hangin. Kahit na ang kaaway niya’y natigilan. Nakakarinig rin naman kami ng Inggles sa klase. Pero parang hindi pa kami natuturuan ni Mam ng mga sinabi ni Katrina.

Last day high

Been on blog vacation these past few weeks. School's been verrry hectic and I'm really so thankful of the fact that today's the last day of school. Yippeeyay!!! Final exams are scheduled next week, and boy, do I have a lot of papers to check! Aaargh! Can't wait til this is all finally over. Wonder how I should spend my sembreak aside from my usual going from house to house to feed hungry minds.. I really, really wanna go to Manila to be with my friends! They all get together, at least during the weekends, and I wanna go too! I hope some kind of event comes up so that I could spend some time with them in gimiks, etc. Hehe

Yesterday, a hearing was conducted on the construction of stairs leading to the national highway. The administration has decided to close the stairs from the CUB down to the highway which earned the ire of a number of people. GOod thing we had an incredible "lawyer" yesterday. Looks like we'll be climbing the same hill afterall...