Friday, January 07, 2005

Dear Mike

Andami kong dapat ipagpasalamat sayo. Di ko na alam kung saan mag-uumpisa. Siguro, I’ll start na lang with the latest.

Mike, salamat sa pagpunta mo last Saturday. Napilitan ka man o hindi, thank you pa rin. That was one of the best days of my life.

Sinundo mo pa ako sa opisina. Kinilig tuloy lahat ng mga officemates ko. Ang gwapo mo daw. Bagay daw tayo. Kelan daw kita sasagutin. Ang sabi ko naman, wala namang sagutang mangyayari kasi di ka naman nanliligaw. Basta, andami pa nilang tinanong tungkol sayo. Pasensya ka na ha, itsinismis ko na naman ang buhay mo. Pero don’t worry, panay magaganda naman lahat ng mga sinabi ko eh.

Alam mo, Mike, nung nagla-lunch tayo, muntik na akong mag-walk out. Pa’no ba naman kasi, na-mention mo pa si Aya --- sinundan mo pa ng Janice --- at talaga namang pangalan nilang dalawa ang napagkasya mo sa iisang sentence. Kung iyakin lang ako, humagulgol na siguro ako sa sama ng loob nang nalaman kong may communication pa rin kayo. Kung bayolente lang ako, nabulyawan ko na siguro yung makulit na bading na weyter natin dahil sa well-informed ka masyado sa buhay nila.

Pero di naman ako iyakin kaya walang luhang lumisan sa mata ko. Di rin naman ako bayolente kaya walang weyter na nasaktan. Puso ko lang ang umiyak. Damdamin ko lang ang nasugatan.

Pero carry ko pa rin naman ang sarili ko. Tawa pa rin ako sa jokes mo at kinig sa kuwento mo. Alam mo bang akala ng lahat, tahimik kang tao? Na boring ka at di nagsasalita? Hah! Kung alam lang nila. Eh kung tayong dalawa naman ang magkasama, puro nga iakw yung nagkukwento eh. Minsan na nga lang kung makapagbida ako. Kung ganun ka na sana ka-daldal nung nililigawan mo pa si Janice, malamang sinagot ka nun. Mahiyain ka pa kasi noon.

Eh teka, nung si Aya na yung nililigawan mo, di ka na naman mahiyain a? Ba’t mo nga ba itinigil ang panliligaw mo sa kanya, Mike?

Mike, personal question… Minahal mo ba talaga si Aya? O, don’t tell me mabibigla ka pa sa pagka-prangka ko. Maninibago ka pa ba? Eh ilang beses na nga akong nakapag-“I love you” say o dib a? Akala mo siguro biro lang lahat yun no?

Hay naku, yun ang akala mo. Ikaw lang naman tong as a friend kung magmahal sa ‘kin eh. Di mo pa rin ba alam? Ilang beses na kitang gustong pagsamantalahan, lam mo ba? Tuwing tayong dalawa lang ang nanonood ng sine, tuwing nagpe-peace be with you o Our Father ako say o, nung sabay tayong sumakay sa ferris wheel, nung tayong dalawa lang sa opisina ng nanay mo, nung nagkatabi tayo sa pagtulog, nung mga times na inihatid kita sa pier at airport… Langhiya, andaming pagkakataon na pala ang sinayang ko. Pinaka-intimate contact na yung nagyakapan tayo nung camp. Problema lang, nag-I love you ka nga, binuntutan mo naman ng “walang malisya to ha!”

O ano, baka natutulala ka na dyan? Di mo pa rin ba gets?

Akala ko nga maglalakas-loob na akong magtapat say o nung nagdi-dinner tayo last Saturday. Nung tinanong mo kung kumusta na kami ni John.

“Sinabi ko naman sa ‘yong di ko sya mahal di ba?”

Saka kahit kinakabog na ng kaba yung dibdib ko nang mga panahong yun, naglakas-loob pa rin akong tanungin kung may girlfriend ka na. Nung sinabi mong wala, mabuti na lang napigilan ko yung pagka-taklesa ko, kung hindi…

You spent the entire day with me that day --- well, the entire half-day to be exact. And except for a few painful moments, I cherished every minute that I was with you. Marahil ay nabuhayang muli ang puso kong tanga.

Maybe that’s the reason why I was very sad when you left yesterday. Kahit isang oras lang tayong nagkasama, each second filled me with elation. Nung niyakap mo ako para magpaalam, di nakaganti ang tuod kong mga braso. I desperately wanted those moments to last. I wanted to look into your eyes for as long as I could.

I was waiting for you to say something… Somehow, I was waiting for me to say something to you too.

Pero kung may mga salita man tayong ninais bitawan nung araw na yun ay di na mahalaga.

Dahil lumisan ka nang hindi natin nabibitawan ang mga katagang yun. Ngayon nga’y papel na lamang ang nakikinig sa aking mga hinaing. Bolpen ko na lamang ang nakikipag-usap sayo. Bawat luhang di mo nasilayan sa mga mata ko’y, tinta na lamang ngayon.

Wala akong lakas ng loob na magtapat sayo at wala ka ring balak na saktan ang damdamin ko’t sirain ang pagkakaibigang pinaghirapan din nating buuin. Tuluyan na nga sigurong magiging pipi ang damdamin kong matagal nang pinagbibingi-bingihan ng puso mo…

Lea

No comments: